Mahina talaga ako sa Tagalog ka habang binabasa ko ang transcript ng SONA 2011 ay mejo nahirapan ako sa ibang mga salita tulad ng pagtitimon. Bastos ang naiisip ko pero parang gets ko na.
Sa hindi pa nakabasa, eto ang SONA 2011.
Maganda sana itong himayin sa Speech Comm class kaso nga Tagalog. Wala pa akong nakitang English version.
As usual ginamit pa rin ng presidente ang isang metaphor niya para sa katiwalian. Pero masakit pa rin para sa akin na mas malaki ang buwis na binabayaran ko at tila mas mahirap pang kunin ang mga government ID ngayon kesa sa dati. Sana ay maharap nila ang mga issue na iyon. Hindi lang naman ang mahihirap ang nangangailangan ng maayos na serbisyo ng gobyerno, pati naman kaming nasa gitna ay me mga hinaing din.
Maraming tao ang me sama ng loob sa bagong sistema. Pero hindi nyo masasabing wala kayong kagaanang nararamdaman. Yun na lang positibong reaksyon ninyo mismo sa pagkakaroon natin ng mas matinong presidente, malaking tulong na un sa morale ng mga Pilipino.
Sayang lang talaga at hindi na inabutan ng lolo ko ang mga mas maayos na palakad sa agrikultura. At wala na rin kaming mga lupang pwedeng tamnan ngayon. Hindi naman sa gusto kong maging magsasaka. Pero sayang pa rin di ba?
Sana lang me naisip nang sabihin si Presidente para sa mga OFW na umuwi ng Pilipinas at nahihirapang ibangon ang sarili sa muling pagkalugmok. At sana totoong magkaroon ng mas maraming pagkakataon para sa kanila na manatili na lang sa bansa. Masyadong delikado ang mga bansang minsa'y pinipili nila. Bagaman may mga hindi na babalik, meron pa ring nais na dito tumanda.
Ang kinakatakot ko, pano pag natapos na ang limang taon pa niya. Pano kung baluktot din lang naman ang papalit sa kanya? Para saan pa ang lahat ng ito kung babalik din ang lahat sa dati.
Sana hindi. Sana totoong simula na ito at ang kinabukasan ng bansang ito ay maging mas maliwanag.
Keep up the good work, Mr. President,
No comments:
Post a Comment
What do you think?