To Whom it may concern,
Future writers and my dear Toppers fellow I would like to implore you to listen (or in this case read) what I am about to say. Tatagalugin ko na para hindi masakit sa bangs.
As per what I called BBBS fiasco (wait tagalog nga pala)
Dahilan sa mga pangyayari sa nakaraan na (pak ang hirap magtagalog) bunga ng kaguluhan ng isang bruhilda na nagpapasimuno ng gulo sa BBBS (no, hindi ito si empresz surprisingly ahahah love you empz) NAPAGDESISYUNAN NA IPINAGBABAWAL ANG PAGBUBUO NG SERIES NA MERONG LABIS SA TATLONG MGA MANUNULAT. Kinakailangan ding merong THUMBS UP NG EIC ang mga writer na nasa grupo ng tatlo o pares ng manunulat na gagawa ng series. KINAKAILANGANG MAGPAALA, MAGBUO NG SYNOPSIS, MAGSUBMIT NG MGA STORY PLOT AT KUNG ANEK ANEK PA bago maaprubahan ang series. KINAKAILANGAN DING ANG MGA MANUNULAT AY MAYROONG EDITED AT .COM NOVELS NA BAGO MAGSIMULA NG SERIES.
Kaya ipagpatawad ninyo pero hindi pwedeng gumawa ng series ang isang newbie ika nga. Pero welcome silang magsulat ng mga INDIVIDUAL novels para mahasa ang kanilang mga gawa o GUMAWA NG SERIES NG MAG-ISA.
Dahil sinasabi ko sa inyo, hindi ko papayagang maging E-book ang series ninyo. Sorry. Pero ganun talaga. At kapag me mga nag-away away na naman dahil sa isang pangalawang DIOSZA lahat kayo ay tatanggalan ko ng mga karapatang magsulat bilang mga "DIOSZA"-like writers.
Iminumungkahi kong makipagkaibigan tayo sa mga beteranong manunulat at humingi ng kanilang insight at wag tayong suplada sa kanilang mga tanong.
Kung wala tayong tinatago walang mawawala sa pagtugon sa mga tanong ng mga admin. Sapagkat kapag hindi ninyo ginawa ay hindi rin maipupublish ang inyong gawa.
Sana ay maunawaan ninyo ang mga dahilan namin. Kung gusto ninyong magpakwento kung ano ang dahilan bakit me ganitong rule, magpakwento kayo ke Empresz kasi isa siya sa mga me alam ng totoong nangyari.
So sana, sumunod bago sumaway. Maunawaan sana ninyo that it's you and your bond that we are trying to protect. Because nothing destroys friendships faster than lies and misunderstanding.
I want TOP to be a place where newbies learn slowly but surely and not take more than they can handle a little too soon. Sana matuto muna kayo mag-isa, with the support of others lang pero hindi naman sila na ang tutulong talaga to make your story come out. FIND YOUR STYLE and master it then you can collaborate with ONE OR TWO other great writers. Because if you start something that you can't finish then you can't move on to your next piece.
Believe me, I know.
Let's work together, wag tayong mag-epalan.
Remember, "TOPper sa isip, salita at AKDA."
Wow! Ang strict ng lola ko! :) More power to you and your work, Sam. Sadly, I don't think I can write anything Tagalog. Hay.
ReplyDelete