To all TOP official writers and wannabes Check the requirements here
This is the sample teaser. Para ding teaser natin pero dapat catchy para maengganyo ang mga humans na basahin at bilhin ang inyong story.
Teaser : My Sassy Pinay by Pinaywriter
Gusto lang ni Pinay na makapag-ipon ng pampaaral ng kapatid niya. Tama ba namang masabit siya sa gulo ng isang emoterong Law school major? Iniwan si Bae Shin ng girlfriend niya dahil dalawang beses na siyang bumabagsak sa civil test para maging abogado. Dala ng pressure at sama ng loob, mas ginusto na lang niyang magpakamatay kesa mabuhay ng wala ang babaeng minamahal at maging disappointment na naman sa kanyang ama. Malay ba niyang ang maling pag-dial niya sa cellphone niya ang magliligtas ng lovelife niya?
Ito ang sample chapter. Please indicate how many characters and chapter ninyo para malaman namin kung marunong kayong gumamit ng Tools>WordCount sa open office at sa MS word (o kung ano pa mang ginagamit ninyo)
Tandaang .txt file dapat title-author-chapter(#).txt and file name. Sa notepad ito mga kapatid. Save as TEXT FILE ito sa open office kung sakaling hindi kayo makaMSOffice.
example : mysassypinay-pinaywriter-chapter1.txt
Sample Chapter:
(2185 characters)
Chapter 1
“Ayoko na talaga sa mga Kimchi na yan!” inis na ibinato ni Pinay ang English workbook na ginagamit niya para turuan ang mga studyante niya.
“Mainit na naman ang pantog mo, Pinay.” alam na ni Raya na magnangangawa na naman siya dahil sa init ng ulo niya. Hinahayaan lang siya nito kahit minsan hindi talaga siya tumitigil hangga't hindi nito sinasabing, “Kumain ka na lang. Walang kwentang magwala ka. Alam mo na namang ganyan talaga ang mga studyante mo eh.”
“Ay naku, super mahal ko ang mga students ko, Raya. Alam mo yan. Kahit ang pinaka-Daimon sa kanila minamahal kong tunay. Pero ang mga mudra ng mga kids, nakakakulot ng bangs sa sobrang yabang. Eh hindi na nga makapag-dikit ni dalawang salita ung anak kesyo turuan ko daw ng mas advanced. Gusto kong sabihin na ako me Education degree at lisensyang magturo ng English, sha inire nya lang un.”
“Kaso hindi pwede kasi mawawalan ka ng anda pag ginawa mo un.” napatango siya sa sinabi ng kaibigan.
“May tama ka!” nag-ring ang cellphone niya kaya naputol ang pagtsitsismisan nila. Hindi niya kilala ang numero pero sanay na siyang binibigay ng mga kliyente niya ang number nya para sa mga referral ng mga ito. Mahirap na ang maging choosy. Nagpapa-aral pa sya ng kikay na kapatid.
“Hello, this is 010-2509-5760. May I know who is calling?”
“I want to die. I can't live without you,” ani ng kausap niya.
“Ha? Ano kamo?” natameme sya sa sinabi nito.
“I am going to jump at the Hangang Bridge if you don't come and get me, ne sarang.” Yun lang at nawala na ito sa kabilang linya.
“Sinong tumawag?” tanong ni Raya sa kanya. Hindi na siya magkaintindihan sa paghagip ng kanyang scarf at earmuffs.
“Isang taong baliw to the bones!” un lang at nagtatakbo na siya palabas. Pinindot niya ang call button sa call history niya pero hindi nag-ri-ring. Voice prompt na lang na nagsasabi na walang connection o nakapatay ang telepono. Lalo siyang nanlamig. Na-imagine niyang nasa malamig na tubig na ng Han River ang caller. Anak ng Kimchi naman o!
Tatakbo siyang lumabas ng elevator papuntang labas ng dormitory ng hagwon o academy nila.“Wag kang tatalong Kimchi ka! Kunsensya pa kita!”pumara siya ng taxi. "Ajusshi, Hanggang Bridge, pali-yah!"
Remember to follow the normal punctuation and writing rules for novels. Ok ito sa mga humans na hirap sa mga mahahabang chapter.
30 chapters each story me teaser at epilogue is required.
No comments:
Post a Comment
What do you think?