Thursday, June 16, 2011

Dans les cordes (Inside the ring) - Review (Filipino)

Ang kwento ay masyadong maraming mga twist pero natuwa naman ako sa kanya. Ipinapakita kasi dito na minsan ang sibling rivalry napapasa sa susunod na generation. Ung kasing mommy ni Angie ang asawa pero ung mom ni Sandra, naanakan din ng tatay ni Angie so technically magkapatid din sila. *Kung mali ako ng intindi sorry* Tapos ang personality ng mom ni Sandra ayon sa nanay ni Angie ay parang katulad din ng anak nito. Pailalim kung mang-isa kumbaga.

Kasi nga nun natalo si Angie ay parang nag-iba ang lahat. Naging champion si Sandra sa division nito. Bantam si Angie at Featherweight naman si Sandra. Halata na ang paborito ng tatay niya ay si Sandra. At ipinakita na sa mismong ugali ng tatay niya na dahil sa hindi nito maromansa ang nanay ni Angie *Ikaw ba naman ang mamuhay sa isang bahay kung saan nandun ang anak sa labas ng iyong kapatid at asawa maging karinyosang asawa ka kaya?* ay malaki ang tendency nitong magwalanghiya. Sa pelikulang ito isang "cheerleader" o "round girl" organizer ang siyang kinalantari ni manong. T_T

Maganda ang konsepto kung saan ninais ni Sandra ang lahat kay Angie, ang pagmamahal ng tatay nito, ang kasikatan ng isang champion, at pati na ang labang ninanais niya para makaganti sa bumugbog sa kanya sa division championship.

Aprub sa akin ang paraan ni Angie ng pagsiguro na makakaganti siya sa kanyang ama at kay Sandra. Dinalian niya si Sandra ng ankle para hindi ito makalaban. At nang nasa ring na siya at papanalo na siya laban sa babaeng tumalo sa kanyan, hindi niya tinapos ang laban.

Maangas ang dating ng pelikulang ito sa akin dahil parang isa itong "Hah! In your face, dad!" ng lahat ng mga girls na pinilit na maging isang bagay na hindi naman nagpapasaya sa kanila para lang mahalin sila ng kanilang ama sa paraang nais nila.

Ang pagkawala ni Angie sa ganoong isipin ang natatak sa isip ko.

Daddy's girl ako kaya alam ko ang nararamdaman niya sa simula pati ang iba niyang angst. Pero natuwa ako kasi hindi lang niya sinubukang bawiin ang nawala sa kanya, pinakita pa niya na kaya niyang mabuhay ng wala ang approval ng mga taong nagnira ng kanyang self-esteem.

Astig di ba?

The fact na kickboxing ang sport na ito ay nagpadagdag ng interes ko.

Sawa na kasi ako sa mga puro love stories at weirdo ang pinapalabas na French film sa festivals. Mas maganda na rin ang mga pelikulang mas malapit sa mga totoong sakit ng lipunan o ng mga relasyon na hindi nakabase lang sa romansa.

Mejo me mga parte na ang cinematography ay mejo magulo pero for the most part maayos siya. Hindi naman exceptional ang music na ginamit dito pero merong isang part na nakikinig si Angie para maghanda sa laban niya na ok ang music. Hindi theme music heavy ang pelikula. Sa tingin ko ito ang napansin kong malaking kaibahan ng mga European movies sa mga American movies or Asian movies.

Magaling naman ang mga artista pero me mga pagkakataon ding stiff ang character ni Angie. Pero kung ito ay dahil sa ganun ang characterization niya ng dalagang bida, pwes magaling siya.

+++

Mahirap palang gumawa ng movie review na sa Taglish. Ang sakit sa bangs. Pero sana hindi ko na-spoil ang movie na ito para sa inyo.

+++

Mula dito ang information
Dans les cordes (Inside the ring) (2006)

Director

Magaly Richard-Serrano

Actors

Richard Anconina; Maria De Medeiros; Louise Szpindel; Stéphanie Sokolinski; Bruno Putzulu; Jean- Pierre Kalfon Diouc Koma; Chems Dahmani; Ninon Brétécher



Synopsis

Angie and Sandra are 18 years old. They've been raised as sisters by Joseph, Angie's father and Sandra's uncle. He's also been their trainer, programming them to win the national French boxing championship finals. But Angie loses and Sandra wins… Angie wants a rematch at any cost, but Joseph has decided otherwise.


Film production and distribution

Associate production company: Sunday Morning Productions

Co-production : Rhône-Alpes Cinéma

Film export/Foreign Sales : Pyramide International

French distribution : Pyramide Distribution

Feature film

Genres : Fiction

Subgenres : Drama

Production language : French

Nationality : 100% French (France)

Production year : 2006

French release : 04/04/2007

Runtime : 1h 30mn

Current status : Released

Production formats : 35mm

Screening format : 35mm

Color type : Color

Aspect ratio : 1.85

Sound format : Dolby DTS

1 comment:

  1. Alam ko na mas-googlable ang mga English na mga reviews pero lagi kong naiisip di ba mas cool kung me English review tapos meron ding Filipino na review. Eehehehe pero ang tamad ko Filipino lang ang nagawa ko. T_T,

    ReplyDelete

What do you think?