Madalas kong sabihin ang map-out your characters at I am sure naiinis na ang mga tao sa mga sinasabi ko. So I decided to blog it na para wala nang gulo.
I will be doing this post in Taglish so if you can't understand Filipino, move to another post. Thanks.
Q: Ate Pinay, ano ba yung pinagsasasabi mong map-out your character. Hindi ko talaga maintindihan. *minsan talaga ang mga taga-UP parang alien magsalita. tsk.*
A: *eherm* I heard that.
Pero ang pagmamap-out ng iyong character ay para lang outline. Mas tamang tawagin siyang outline ng iyong mga characters.
Q: Para saan ba un?
A: Para hindi ma-out of character ang mga ginagawa, sinasabi o iniisip ng character mo.
Q: Pero hindi ba pamparami lang un ng gagawin?
A: Sa unang tingin, oo. Pero kung iisipin mo madali mong magagawa ang mga dialogue at and iyong editing kung gagawa ka ng ganito. Kasi kung nalilito ka na sa kung ano ang gagawin ng character mo sa isang sitwasyon pede mong balikan ang characterization mo sa kanya. Me halong psychology ang ginagawa nating mga manunulat. Dapat me certain na logic ang lahat ng ginagawa ng mga character. Minsan nga mas mahirap pa itong gawin sa isang fictional character kesa sa ibatay ito sa totoong ginagawa natin. Kasi ikaw at ako, ang totoong buhay, hindi kailangan ng cause para magka-effect. Hindi laging logical ang kinikilos natin sa totoong buhay. Pero sa panulat, lahat ng kilos me dahilan. Lahat ng mga iniisip o ginagawa ng mga character me dahilan. Hindi pwedeng, wala lang trip lang nya.
Q: Ang komplekado naman. Baka naman pwede kang gumawa ng example para hindi kami malito mashado.
A: Okay, halimbawa ganito
Basic
Name: Natasha Simon
Nickname: Tasha
term of endearment from lover: Labz
Age: 21 (sa simula ng kwento) 22 (sa katapusan ng kwento)
Eyes: Black - asian
Hair: Long black wavy
Height: 5' 6"
Body shape: slim but athletic
Bday: May 30 1985
Horoscope: Gemini (kita sa ugali ang pagkagemini)
Gender: Female (straight)
Location
Hometown: Batangas (rural - farm)
Name of specific place : Lobo (may or may not be real)
present city: LB
Present province Laguna
reason for being there : studying
Education
elem/HS: SBC
year graduated: 2002
awards: 6 medals overachiever
Level : graduating (beginning) graduate (end of the story)
name of school: UPLB
major: AB Comm Arts
awards: none
Employement
Job1: online blogger
job description : Made a blog about her pregnancy named (name here)
Attitude
positive: Loves her friends, loves her family, opinionated, english skills,
negative: nagger, loud, holds grudges, stubborn, boyish
phobias: thunderstorms, being dumped, commitment, airplanes, closed spaces
love type: BAD BOYS
favorite body part in a lover: eyebrows and spanish noses
skin type in a lover: moreno
height type in men: 5'7 to 5'10"
position on marriage: Not if I can help it
Behavior when pissed : NAGS
Behavior when really mad : Does not talk
How she talks: loud usually
Idea of a perfect date: Being in the beach
Wedding type: Beach wedding
Story info
Conflict: She loves Lucky but she is not into commitment.
Major problem: She gets knocked up.
extra info:
Parents name
Mom: Diana
job: Housewife
Dad: Kanor
job: Haciendero
Siblings:
Brothers:
Name: Marcell
Nickname: Macoy
age: 19
Job: Film student UPD
Name: Alvin
Nickname: Binot
age: 17
Job: freshman bio UPLB
Name: Alexandra
Nickname: Alex
age: 15
Job: highschool SBC
Relatives :
Name: Sasoy
Association: uncle
attitude: loves to drink gin
job: handles the piggery in the hacienda
Q: Wow, pati tito niya kailangan me pangalan?
A: Bakit ang tito mo ba walang pangalan?
Q: Oo naman, pero totoo naman akong tao. Si Natasha ay kathang-isip lang.
A: Iyon ang dahilan kung bakit kailangan mo siyang buhayin. Kung hindi mo alam kung sino siya, hindi mo siya maisusulat, di ba? At least not well enough. Malay mo naman gamitin mo pa ang mga tao sa buhay niya sa iba mong kwento. Magaling na that you know who is who.
Q: So kailangan ko itong gawin sa lahat ng characters ko?
A: Ideally, yes. Kung tinatamad ka you can use this for your girl and boy main characters at sa main antagonist. Then you can just use the basic parts for the extra characters. Pero lagi mong tandaan na ang mga character na ito ay dapat "of this world" dahil sa ang genre natin ay tagalog pocketbook hindi sci-fi or fantasy. Gets?
Q: Gets. So ang dami palang dapat ihanda bago magsulat.
A: Hindi naman. Ito at ang plot point guide ay mga guide lang para hindi ka maligaw. Pwede mong i-adjust ang kwento batay sa mga ito. Pero minsan pwede mo rin baguhin ang taong ginawa mo para magfit sila sa kwentong nabubuo sa isipan mo. Minsan hindi natin pwede pilitin ang isang kwento na magpunta sa isang direksyon. Minsan they just have a life of their own.
Q: Eh kung ganun pala ay bakit kailangan pa ng plot point plot points sulat na agad.
A: Kung super galing ka talaga ay siguro second nature na ito sa iyo. Pero para sa akin na tao lang at nalilito din, kailangan ko ng reminder sa kung asan na ba ako, ano bang sunod na gagawin ko or kung ano ang mga scenario or loose ends na kailangan kong resolbahin. Ung kasi minsan ang problema. Kahit maganda ang kwento me mga tanong na hindi nasasagot so nakakainis sha para sa mambabasa.
Q: Maraming salamat sa tulong mo ngayon.
A: Walang anuman, next time plot points naman pag-usapan natin.
Q: At kaya nga, ang pangangailangan na kilalanin ang iyong mga characters at ang mundong kanyang ginagawalawan ay mahalaga sa isang kwento dahil sa kung wala sila well...walang kwento. Sana po ay nakatulong kami sa mga TOPpers kahit konti lang. Maraming kwento po sana tayong magawa. Mabuhay!
clap clap clap, gleng gleng talaga ni pinay…
ReplyDeleteteka lang papasa kaya ang kwento ko sayo!?
Ang Love Bus http://bit.ly/bMPkN4
please give me some pointers
Salamat…