Thursday, October 7, 2010

Pinaywriter's Quotable Quotes



DISCLAIMER: All quotes are mine. IF you are going to use them in your shoutout of something, link me. If you are going to use it in your own story, don't even think about it.

Hindi porke't hindi ako magaling mag-English hindi na ako marunong magmahal. Iisa lang ang sinasabi ng puso ko, ikaw and hindi marunong umintindi. 100710

Ang dami mong sinasabi pero ang narinig ko lang ay meow meow meow Gago ka pala eh mahal kaya kita? meow meow meow. Ang ganda mong pusa, I love you too, Empresz Regnant  ~ Tank in BigB Taking Tank 100610

Ayokong pilitin kang mahalin ako. Pero wag mo akong piliting kalimutan ka. Kahit ano gagawin ko para sumaya ka wag lang ang bitiwan ka. _daesong Big B series

Kahit ilang giling pa ang gawin mo hinding-hindi mo na malilito ang puso ko. Minsan mo na akong napaikot sa kagaslawan mo. Steady na ang puso ko. Busy na akong sumayaw sa sarili kong awit ng pag-ibig. BigB Series

Matuto kang makalimot para makagawa ka ng puwang para sa akin. Hindi ko na ipapangakong pupunan ko ang lahat ng nawalang pagmamahal sa puso mo, gagawin ko na lang. -Jdragon to sophia BigB series

Salamat sa pagsasabi mo na babalik ka na sa dati, sa ikaw na hindi ko magugustuhan. Salamat sa pagsasabi mo na kakalimutan mo na ako. Sana maging masaya ka na. Dahil ako, balak ko talagang maging masayang-masaya, kasama ka man o mag-isa. 100610

 Bakit mahirap basahin ang kwento ng buhay pag-ibig ng iba? Kasi hindi ikaw ang bida. 092310 1121

Gusto ko nang matulog pero tumatakbo sa isip ko ang kwento ng pag-ibig na gusto kong maranasan sa piling mo. 092110 2254

 Gusto kong magsulat ng masasayang kwento ng pag-ibig, hindi para magkapera, hindi para maging sikat, kungdi para mapaniwala ang sarili ko na oo, balang araw meron din akong mamahalin na mamahalin din ako. 092010 1127am

Sa lahat ng ayaw ko, mga traidor sa kaibigan, mayayabang na nakikisabit lang sa galing ng iba at mga taong kunyari kaibigan mo pero sinasaksak ka na pala sa likuran.
September 20 at 8:58am

Hindi ko alam ang gusto mong gawin sa buhay mo. Pero ako gusto kong maging masaya ka kasi ayokong ma-guilty kung sakaling matupad ang mga pangarap ko. I plan to be very happy in the future, one that of course, doesn't have you in it.
September 9 at 10:47am

Girl: Mahal pa rin naman kita, tulad ng ibang minahal ko dati.

Boy: Pero iba ako sa kanila...di ba?

Girl: Dati, oo. Pero ngayon, mahal pa rin naman kita.
...
Boy: Katulad nila?

Girl: Oo, sorry ha.

Boy: Aray, masakit pala.

Girl: Ang alin?
Boy: Ang maging ikaw.

Girl: Ang maging ako?
Boy: Di ba dati mahal mo ako pero hindi kita gaano kamahal. Ngayon ako naman.
See More
September 7 at 1:13pm

Merong ikaw, merong ako, pero walang tayo.
September 3 at 1:09pm

Kahit anong mangyari sa ating dalawa, kahit ilang lalaki pang taga-rito ang nakasakit sa akin at sa mga kaibigan ko. Kahit ilang multo pa ng nakaraan ang sumalubong sa akin pagbalik ko, babalik at babalik ako sa ELBI dahil ang ELBI lang ang talagang nagmahal sa akin hindi kayo. ~ NRS
September 2 at 9:47am

 Kahit anong yakap ko sa sarili ko, wala pa ring kasing init at kasing higpit ang yakap ng taong alam kong mahal ako ng totoo.
September 1 at 7:09am ·

Eh, ano naman kung 'ber month na? Hindi ako nilalamig. Me jacket naman, bakit ba?
September 1 at 7:08am

Alam kong busy ka, alam kong maraming bagay na mas mahalaga sa iyo kesa sa akin, pero mali bang umasa ako na kahit isang sandali lang na ako lang ang inaalala mo?
September 1 at 7:05am

 Gusto kong mag-sulat ng bagong kwento ng pag-ibig. Kailangan ko ng inspirasyon, gusto mong mag-apply?
August 30 at 12:55pm

 Kung kaya lang madala ng pagkuskos ang sakit, tutuklapin ko pati pintura.
August 30 at 12:38pm

Kahit mamatay na ako sa kakaubo, hindi pa rin matanggal ang kapit mo sa puso ko.
August 30 at 8:45am

 Balang-araw magiging mabuti ka ring ama, magiging mabuti din akong ina. Ang tanong ay kung sino ang nanay ng mga anak mo at sino ang tatay ng sa akin.
August 27 at 12:17pm ·

Nanaginip ako minsan ng isang taong me akay na dalawang bata, kilala ko na silang dalawa. Hindi pala sa akin kahit isa...
August 27 at 12:16pm ·

Ang inaasahan kong pagkapugto ng hininga at kawalan ng pag-asa ay hindi dumating. Kundi pagluwag ng dibdib pagkatapos mawala ang panandaliang sakit. Ganito pala ang pakiramdam ng nalampasan na ang nakaraan, ang sakit three minutes lang. ^_^
August 27 at 5:50am

Ganito pala ang pakiramdam ng natuto na sa dating pagkakamali. Nakakapagpabago talaga ang mga aral ng buhay. Salamat sa iyo.
August 27 at 5:36am

Minsan sana i-hostage na ng iba ang puso ko para hindi na ako maging 1st runner up sa buhay mo.
August 24 at 5:54pm

Oppa, I love you major major bakit "What happens in Vegas stays in Vegas ang pagmamahalan natin? Gusto ko ung korona sa ulo nya, sa akin ang puso mo. T.T
August 24 at 5:52pm ·

 Namimiss kita kapag inaantok ako, kasi alam ko isang haplos mo lang gising na ang buong diwa ko.


Mahal kita hindi bilang kaibigan ko lang kungdi karamay mo. Dahil ang pagmamahal nawawala, naililipat pero ang pakikiramay ay dala ng pagnanais mo na minsan pa ay makita mo shang masaya.
August 23 at 1:03am ·

Kung me isa pang magtatanong sa akin kung okay lang ako, magwawala na talaga ako. Obvious bang nasa paanan ko ang puso ko at bawat hakbang palayo ay parang inaapakan ko ang puso ko.
August 23 at 1:02am ·


Minsan iniisip ko na lang buti pa ang taong iyon kaya kang ipaghiganti sa lahat ng mga nakasakit sa iyo, eh ako, kahit resbak hindi kita nabigyan. Pero hindi sa lahat ng panahon na kailangan mo ako ay nasa malapit lang ako para tulungan ka. Minsan kailangang ikaw rin ang mag-buong muli ng puso mong sarili mong kamay ang sumugat.
August 23 at 1:00am

 Kahit ilang kwento pa ng pag-ibig ang isulat ko kung saan ang lalaking minamahal ng babaeng karakter ay pinaglaban siya at nagkatuluyan din sila dahil dinaig nila ang lahat ng mga problema at balakid kung sa sarili kong kwento ng pag-ibig ay wala ka sa tabi ko, wala ring silbi.
August 21 at 10:50pm

May plano nga siguro SIYA para sa ating dalawa. Ang kaso lang hindi kasama sa plano niya na tayong dalawa ang magkakasama.
August 21 at 8:45am

 Salamat sa pagmamahal mo naghilom ang sugat na iniwan niya sa puso ko.
August 21 at 8:44am




 I made time for love once and that time is never lost to me. I carry it in my heart all the days of my soul's life.
August 21 at 8:42am ·

 Dahil sinaktan mo ako, sasaktan din kita. Hindi ganito ang pag-ibig. Ayoko ng ganitong pagmamahal. Kung kailangang mag-isa na lang ako para wala nang masaktan kundi ako, lalayuan na kita. Kahit bawat hibla ng aking pagkatao ay nagproprotesta sa desisyong ginawa ng isipan ko na taliwas sa kabig ng puso ko. Kaya kong mag-isa. Kailangan kong kayanin.
August 20 at 10:15pm ·

 Masaya ako na naging parte ka ng buhay ko dahil nakilala kita noong ayoko nang magmahal ng kahit na sino kungdi ang sarili ko. Ipinaramdam mo sa akin ang pagmamahal na walang pakialam sa tadhana, sa dapat at sa inaakala kong tama. Kahit sino pa ang dumating sa buhay ko hindi pa rin mapapalitan ang parte mo sa talaan ng mga alaala ng tunay na pagmamahal...
August 20 at 10:12pm ·

 Minsan ang mga luha ko ay maririnig mo lang sa kaibuturan ng puso mo pero nakangiti ko pa ring haharapin ang buhay kong wala ka.
August 20 at 9:57pm

Yakapin mo ako kahit sa larawan lamang. Magniig tayong muli gamit lamang ay ang ating mga salita.
August 20 at 6:57am

Kahit alam kong ang pamamaalam mo ay para sa ngayon lang, bakit ang pakiramdam ko pagkatapos nito hindi ko na maririnig pa sa bibig mo na mahal mo ako?
August 20 at 6:55am ·

 L: Mahal kita pero hindi na talaga pwede. Patawarin mo sana ako sa lahat ng kasalanan ko sa iyo.

B: Wala kang kasalanan, hindi mo ako pinilit na mahalin ka.
August 20 at 6:54am · Comment · LikeUnlike · Promote
 Hindi sagot ang pagsasakripisyo mong walang piliin sa amin sa mga puso naming umaasang balang-araw ay magigising ka at mamahalin mo kami na kami lang.
August 20 at 6:51am ·

 Huwag mong sabihin na ginawa mo iyon para sa akin dahil sa huli ikaw lang ang talagang nakinabang nang mawala ka sa buhay ko.
August 20 at 6:49am ·

Mahal kita pero hindi pwedeng mahalin pa kita kaya mahalin mo na lang ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo sa ngayon, puro pero patago.
August 19 at 1:32pm

Bakit lagi na lang tayong hindi pinagtatagpo ng pagkakataon pati internet ayaw kang ilapit sa akin.
August 18 at 10:37pm ·

 Madali lang humingi ng tawad sa mga bagay na nagawa mo na, madali lang mangako na balang-araw ay babawi ka, mas mahirap ang maging maayos ang lahat, ngayon na.
August 18 at 2:40pm ·

Hindi ko tinatanong kung meron nang iba, ang tinatanong ko ay kung mahal mo ba akong talaga.
August 16 at 1:08pm

Mahirap tanggapin na ang mga pangako mong sinambit noon ay hindi mo na matutupad hindi dahil hindi mo kaya kundi dahil mahina ka. Ako ang talagang nagkamali, dapat me paninindigan ang taong minahal ko hindi ung matigas lang ang ulo. ~PW
August 15 at 10:58am

Hindi ko gustong saktan ka kapag sinasabi kong mag-kaibigan tayo. Gusto ko lang na mapigilan ko ang sarili ko na sabihing, "Piliin mo ako at huwag siya." dahil mali un. At ang pagmamahal na hinulma sa mali ay hindi nagtatagal at hindi tunay.
August 14 at 10:01pm

Huwag mo akong gawin dahilan sa kagaguhan mo. Kung mahal mo talaga ako, aayusin mo ang buhay mo!
August 14 at 6:16pm

Gusto kong maging masaya ka kahit hindi pa ako ang makasama mo. ~PW
August 13 at 12:12pm

Kahit anong gawin mong pag-papa-alala mo sa akin ng nangyari sa nakaraan, ang puso ko ay nakatanaw na sa kinabukasan.
August 12 at 11:42pm ·

Minsan kailangan mong balikan ang mga lugar na dating pugad ng iyong kabaliwan. Makikita mo na hindi ka na katulad ng dati at ang paligid mo ay puno ng dating nagpapasakit sa iyo pero hindi na ngayon.
August 11 at 9:47pm ·

Man: Kelan mo nalamang mahal kita?
Woman: Noong sinabi mong aalagaan mo ako palagi. Ako ba, kelan mo nalamang mahal kita?
Man: Noong hawak mo ang anak natin at sinabi mong, "Kamukha mo s'ya, nakakainis."
August 8 at 7:27pm

 Gusto kong ikaw ang maging ama ng mga anak na mamahalin nating dalawa pero hindi naman pwedeng kasama ka pa sa mga papalakihin ko. Hindi ko ito kayang mag-isa ~ bato-bato sa langit PW

Nag-aral akong magluto dahil mahal kita. Pero napanis lang ang pag-ibig ko sa iyo. ~PW
August 8 at 10:24am ·

 Minsan gusto ko na lang papilahin ang lahat ng gumago sa mga kaibigan ko at pagra-ratratin sila. Pero parang kulang pang parusa un sa sugat na ginawa nila sa buhay ng mga taong ang tanging kasalanan ay ang magmahal. ~PW
August 8 at 2:55am

 Ang magmahal parang pag-kain, hindi masayang mag-isa. ~PW
August 7 at 5:44pm ·

Kahit kelan hindi dapat pinipigilan ng isang tao na magkaroon ng mga kaibigan ang taong mahal niya dahil sila mismo ang tutulong para manatiling mapagmahal ang taong iyon. Ika nga, practice makes perfect.
August 7 at 5:39pm

Minsan ang puso trip nya lang tumambling ng tumambling, pero hindi lahat ng oras, me sasalo sa iyo pag mali ang bagsak mo. ~ PW
August 7 at 3:28pm

Wala nang mas sasakit pa kaysa ang malaman na ang taong minahal mo ay minahal lang ang ikaw na nasa isipan nila dahil ang totoong ikaw ay hindi sapat para sa kanila. -PW
August 7 at 10:15am

Kung akala mo miserable ka na, tingnan mo ang puso ko, mas bitter pa kesa sa kapeng barako.
August 6 at 10:26pm

Ayoko na sa bad boy, marami na masyadong suntok sa puso ko. Duguan na eh.
August 6 at 1:49am ·

 If we were meant to be together then you shouldn't made an unbreakable vow, but had you not I would not have loved you enough to make you mine.
August 6 at 1:47am

Minsan talaga mahirap maging emotera kasi kapag totoong nasasaktan ka na wala nang pumapansin sa iyo. ~emofreak
August 6 at 1:46am

 If in your dreams, you dream of me
If in your dreams, we are meant to be
Remember now, remember me
I love you now and forever thee

Guy: Tanda mo pa ba kung san ang ba-lat ko?
Girl: Ha? Me ba-lat ka pala.
Guy: So kinalimutan mo na talaga ang lahat?
Girl: Ikaw, natandaan mo bang magpa-alam noong iwan mo ako?
August 6 at 1:39am

Minsan naisip ko na mahal kita, yun pala hindi ko lang kayang mag-is
a. ~P
August 6 at 1:37am

2 comments:

  1. I write novels so minsan ang isip ko me niluluwang mga love quotes. Kailangang saluhin. ^_^

    ReplyDelete

What do you think?