–noun
1.
2.
something used and represented in this manner.
—Related forms
*sa sobrang galit ko nagkamali ang title ko* ahahhahahah lintek.
pla·gia·rist, noun
pla·gia·ris·tic, adjective
In tagalog, pag-angkin ng gawa, akda ng iba, bahagi man o sa kabuuan at pagsasabi o pag-angkin na ito ay sa iyo at hindi sa orihinal na gumawa o nag-sulat.
Tahasang pagnanakaw ng ginawa ng iba na madalas ay sa literatura makikita.
+++
Naniniwala ako na bagaman mas maipapaliwanag ko ito sa English ay dapat sa Tagalog ko ito isulat. Dahil sa ang mga taong dapat makabasa nito ay mas gamay ang sarili nating wika, nais kong maunawaan nila ang pait, poot at pagka-sura ko sa kanila.
Anong karapatan mong kopyahin ang isang bagay na sinulat ko ng maraming taon, nais kong ayusin at pagandahin pa at pinaghirapan kong habihin dahil na rin sa kahinaan ko sa paggamit ng wikang Tagalog sa panulat?
Wala. Wala kang karapatan na sabihing inaaway namin kayo dala ng baluktot na mga kadahilanan. Wag na wag mong gagamitin ang mga OFW bilang pananggalang sa ganitong pagkakataon. MARAMI KAMING KASAPI at maging mga manunulat na mula sa grupong kinabibilangan mo. Ang hindi namin masikmura ay ang kakayanan mong kutyain ang aming pagtatanggol sa amin karapatang hindi makuhanan ng pagmamay-ari sa mga akdang kinopya mo.
Mag-isip-isip ka sa mga binibitiwan mong mga paghingi ng tawad. Sapagkat hindi mo kilala ang mga sinasabihan mo niyan. Ito ang bunga ng pagkakaroon ng matinding unawaan sa isang grupo ng mga manunulat. Hindi kami papayag na ang aming pinaghirapan ay ipapangalandakan mo gamit ang bagong bihis. Sana ginamit mo na lang ang lumang pabalat ng aming mga libro, kung saan makikita at mababasa ng malinaw pa sa liwanag ng araw ang pangalan ng grupong naglabas ng libro maging ang pangalan ng taong naghirap na gawin, habihin at isulat ang akdang ninakaw mo.
Nagpapasalamat ako sa mga taong sinsero ang paghingi ng paumanhin. Salamat at pinagsabihan ninyo ang mga miyembro ninyong hindi nakakaunawa ng salitang copyright. Kung magtitino sila, malaya silang makakasapi at makakapagbasa ng mga kwento sa aming forum at sa aming sariling website.
Layon din naming magpasaya ng mga mambabasa pero ilagay natin sa tamang paraan ang pagpapasaya. Hindi lang manunulat ang mahalaga sa amin. Kung maubos man ang mga mambabasa sa sanlibutan, kaming mga manunulat mismo ay mambabasa rin. Sa sarili namin ay sapat na iyon. Hindi kami naghahanap ng pera o premyo sa aming ginagawa. Ang gusto lang namin ay makapagsulat kami ng hindi natatakot na mayroong kukuha ng aming akda. Kaya pagpasensyahan niya na lamang ang tindi ng aming gulat, galit at pagwawala. Kayo man kung may kumuha ng inyong pinakaiingatang bagay, pinaghirapan at pinagpuyatan, kayo man ay makikipagbangayan, mawawala sa sarili sa galit dahilan sa tindi ng panibughong inyong mararamdaman.
Bihira sa amin ang talagang binabayaran o may trabahong nakahabi sa pagsusulat ng nobela, pero konting respeto lang, kung marunong kayo niyan. Simpleng "salamat sa kwento" o "ang galing naman, nakakakilig" ang kapalit ng aming paghihirap tapos ninanakaw niyo pa sa amin.
Hindi ko ito mapapalampas. Hindi ko ito mapapayagan. Humanda ang sinumang katulad ninyong magkakamaling pabulaanan na sinadya ninyo itong gawin. Hindi kami titigil sa pagtatanggol ng aming mga manunulat kahit lahat na ay makaaway namin. Dahil ang tunay na magkakaibigan, aawayin ang lahat maipagtanggol ka lamang.
Bilang Punong Patnugot (sorry hindi ko alam ang tagalog sa EIC eh) ng Tagalog Online Pocketbook, bukas ang aming FATE forum at ang TOP.com para sa sinumang OFW, Pinoy, marunong magbasa sa Filipino para mapasaya namin kayo. Please lang, sumunod kayo sa mga kaunting regulasyon namin. Hindi naman sila nakakamatay. Kung hindi pa kayo makaipon ng pang-basa ng mga ibang kwento, sige basa lang kayo sa archive namin dito sa TOP wordpress.
Hindi kami madamot. Hindi kami lahat warfreak at bichera. Mga sira-ulo lang, slight. Pero kung rerespetuhin niyo ang paghihirap ng aming mga manunulat at KAPWA PILIPINO, sabay tayong uusad at mas marami pa kaming mga kwentong maibibigay sa inyo, libre man, me bayad o inyong paghihirapan.
Salamat at matuto sana tayong lahat sa nangyaring ito.
Constant Vigilance, TOPpers, constant vigilance.
ahahaha! natawa ako dun sa nagkamali ka ng title dahil sa sobrang galit. :))
ReplyDeletenaku nangyayari yan sa akin nagagalit na nga mga kaSEO at mga writer friends kasi sabi bakit daw ganun ang blog ko. kaya me rant blog na tag na ako alam na nila why epal grammar ko pag ganun.
ReplyDeletehaha... natouch ako at the same time natawa ako na nagkamali ka po ng title... hehe!
ReplyDeleteboom! mahinhin ka pa dito pinay! promise! ayaw kong makita ang super duper uncensored etchy betchy article mo kung sakaling naging worst pa ang isyung ito.
ReplyDeletepero lam mo, ang alam ko talaga, tapos na to eh, kaya nagtataka ako kung bakit bino brought up pa nila ang issue. worst, prang ang TOP pa ata ang lumalabas na masama. eh malinaw naman sa tagalogonlinepocketbook.wordpress.com readme page ang statement na ito...
Ang website na ito ay LIBRE para sa lahat ngunit hindi namin pinapayagan ang sinuman na i-repost ang aming akda sa ibang websites, forum, blog, private servers, atbp dahil EXCLUSIVE FOR TOP WEBSITE READING lamang ang mga ito. Sa isang banda, kung may nakita kayong mga hindi orihinal na kwento at nakalathala ito sa aming website, mangyari pong ipagbigay alam ninyo kaagad ito sa amin upang mabigyan namin ito ng kaukulang aksyon.
o san sila ngayon? tsk tsk
^ mahirap nga kasing magkipag-argumento sa mga tao na feeling nila sila ang tama kahit hindi naman.
ReplyDeleteAng mga akda ay para sa mga mambabasa pero ito ay pagmamay-ari ng mga taon nagsulat nito. Hindi naman mahirap intindihin di ba?
Intellectual property rights.
Minsan kasi talaga me mga taong bobo sa concept n iyan.
Hindi nila alam na mainit tayo sa LAHAT ng mga ganyan. So nagkataon na siya ang napaginitan, bakit kaya? Hindi kaya dahil pinalitan niya ng pangalan niya ang mga kwentong pinaghirapan ng iba, hindi kaya un?
O dahil kaya hindi nila nirekognize na ang mga sumulat ng mga akdang pinopost nila ay mula sa aming lupon ng manunulat. Kung sa ibang mga grupo ay okay lang yan, pwes dito ay hindi.
Hindi sila ang hindi marunong umintindi kaya pabayaan na lang natin silang magmaganda sa kanilang page. Basta bantayan at baka me makalusot na lang. Marami daw nag-a-add ng mga members dun sa ating mga members na iba. Hindi ko alam kung dahil maganda si Kaven or dahil gusto nilang magsorry o anupaman. Para sa akin hindi ko kayang magtiwala sa mga taong inaapi ang kapwa ko at naghuhugas kamay sa kasalanan ng mga kasapi nila. Please lang, egg and chicken argument ito.
Gusto ko silang sampalin ng English ko kaso hindi nila maiintindihan, simple rules na nga lang hindi pa nila ma-gets un pa kayang maduguan English blog entry?
*taong
ReplyDelete