Bukod sa pagbibigay ng mga sikretong
tips sa aming mga manunulat ay naisipan kong bumuo ng isang category
para sa mga nangangailangan ng mga tips sa pagsusulat. Ito ay mga
simple lang naman at ang iba ay maaaring alam na ninyo. Pero heto na
rin siya para mabasa ninyo.
Una sa lahat, wala naman talagang
WRITER'S Block. Sakit sa KATAM meron, KATAMaran. Kung hindi mo
maituloy ang iyong kwento, hindi ka dapat tumigil, magsulat ka ng
iba! Kung wala kang sapat na oras, pwes siguraduhin mong wala kang
sinasayang na oras para sa mga bagay na wala namang kapaparaan.
Eto ang unang tip para sa iyo na me
KATAM Writing Syndrome.
Writing tip #1
Manuod ng sine.
Hindi lang basta-basta mainstream na
pelikula. Dapat ay ung kailangang pilahan, maraming mga taong nasa
paligid mo at kung anu-anong usapan ang maririning mo. Hindi lamang
ang mismong pelikula ang sadya mo sa lugar na iyon. Ang mga tao sa
pila ang iyong papanuorin. Kailangang meron kang notebook na laging
dala-dala sa mga ganitong pagkakataon. Delikado kasing gadget ang
gamit mo dahil baka manakawan ka pa ng di oras.
Ang pagsusulat ng iyong mga ideya at
obserbasyon ay maaaring makalikha ng mga bagong karater, plot points
at mga scenario na magagamit mo sa susunod na nakaharap ka sa
computer para magtitipa.
Ang pelikulang papanuorin mo ay may
silbi din syempre. Ito ang tutulong sa iyo na makapagpahinga sa
pag-iisip ng iyong kwento dahil mababalot ka ng kwentong sinulat ng
iba. Makikiliti nito ang iyong imahinasyon at madadala sa mga lugar
na hindi mo pa napupuntahan. Iisa lang ang buhay natin na tinatahak
sa ngayon, hindi natin kayang mabuhay bilang iba't ibang tao kaya't
ang mga pelikula ay paraan upang masalamin natin o makita ang mga
pangyayari sa buhay na kaiba sa ating buhay.
Tulad na lang ng mga lugar na hindi ko
mapuntahan kasi wala akong sapat na pera at dahil na rin sa takot
akong sumakay ng eroplano, me pagkakataon akong makita iyon at
possibleng sa aking mga kwento ay maisip kong ilagay ang aking mga
karakter sa katulad na lugar.
Pwedeng ang iyong sinusulat ay may
katulad na karanasan sa tauhan ng pelikula. Maaari mong maintindihan
ang ilang mga bahagi ng iyong tauhan sa pamamagitan ng panunuod sa
actor na nasa pelikula. Magkakabuhay, magkakaroon ng mukha ang iyong
tauhan at maaaring mapakilos mo siya ng mas maayos dahil nito.
Tingnan kung me oras ka para sa mga
film festival na ito
Writing Tips on T.O.P. English version here
ang gandang tip naman ito .oo nga dami nga palang makukuhang story sa paligid ligid basta mag observe lang. thank you .basahin ko naman no.2 .asan na ba yon?
ReplyDelete