Wednesday, September 29, 2010

Formatting Reminders Simplified - for T.O.P.pers *revised 052311*


CHAPTER ONE 6

Seoul, South Korea, 2010...
NAKATAYO si Jaime sa may arrival gate nang makita ito ni Yongbae. 1
2"Jaime!" 3sigaw ni Yongbae.
Lumingon siya at nakita ang kumakaway na kasintahan. Kung hindi lang mabigat ang hand-carry niya ay nagawa sana niyang tumakbo at yakapin ito. Pero hindi na kinailangan dahil ito na mismo ang gumawa noon.
Sarap...
4kinikilig siya sa higpit ng yakap at sa mumunting halik na iginagawad nito sa kanyang mukha.
"Anong gusto mong unang gawin?" tanong nito sa kanya nang makalabas na sila ng airport.
"Pwede bang..."nahihiya man siyang sabihin ay tinanong na rin niya, "matulog muna ako?"
Natawa ito sa tinanong niya. "Hindi pwede," bigla nitong sagot. 
"Bakeeeeet?5" eksaherado niyang tanong.
"Unless katabi mo ako, hindi pwedeng matulog." 
"Sabi ko nga eh, 'wag na lang." naiinis niyang ungot.
“Ayaw mo akong katabi?" tila nalulungkot nitong tanong.
“Hindi," ngumuso siya dito sa inis, "rapist ka eh."
"Hoy, ah! Anong akala mo sa akin? Virgin pa ako,noh!"


NAIINIS pa rin si Yongbae sa sinabi ni Jaime kanina. Sana ay hindi na lang nito iyon ginawa.
“Hyung, okay ka lang ba?” tanong ni Daesong sa kanya.

1. Ang UNANG SALITA sa inyong chapter/bagong scene/change of Point of View or POV ay dapat na BOLD at ALL CAPS.

2. Dapat naka-indent ang mga sumunod na parts ng scene na un, dialogue man siya or naration. 
*kapag inyong kinopya sa TOP.com ay hindi lalabas ang indent pero mas magaling na masanay na tayo dahil sa publishing house dapat ganun ang format. 

3. Dapat ay maliit ang unang letra ng salitang susunod sa "dialogue"

4. Ang mga "mental dialogue" ay dapat na naka italics.

5. WAG GUMAMIT NG ?! sa panulat. Mamili kung ito ay tanong or hindi. Kung ito ay isang tanong use ? kung ito ay sumisigaw lang use ! (ang gagamit nito ay papakainin ko ng mga punctuation marks)

6. BOLD and ALL CAPS ang CHAPTER NUMBER

7. Para sa mga text messages gumamit ng ganitong format 'text message' Use regular words. I-bold or gawin italics ito kung diary entry or message o note
   
   'Are you home?' Napangiti ako kasi kakahiwalay lang namin ay nag-text na agad ito.

8. Ang .. walang ibig sabihin sa panulat. Gumamit ng ellipsis ... ng maayos. 

9. Remember na ipabasa muna sa at least two friends ang kwento bago ipasa ang novel. Sa totoong publication me reader one and two bago pa ang editor.

10. Tandaan na 10 chapters of 10-12 chapters lang dapat.

2,500 words per chapter = 25,000 words (maximum)
2,400 words per chapter = 24,000 words (minimum)
Check out the word count rule sa TOP Tutorial : Writing Workshop 

11. TIMES NEW ROMAN 12 double spaced one inch margin = for novel submission 


This is to help form uniformity. Sundin na lang natin ang mainstream format para masanay tayo. At para in the future ay makapagpublish man kayo sa pub house, hindi mauubos ang buhok ng editor nyo. Basic lang ito at base sa rules ng isang pub haus.
Magbasa ng iba pang advice sa paggamit ng mga bagay bagay sa wikang English at Filipino. Ito ay isang compressed version lang. ^_^
At please, wag na wag kayong magagalit o maiinis sa editor in secret. Send me a hate mail anytime you need to say something. Wag matakot magsabi ng totoong nararamdaman. Para walang gulo.
All the revisions are made for the improvement of your novel. Learn from it. Don't pout and say na ayaw ninyong magpa-edit. Hindi yan ang kalakaran ng totoong buhay. We have a standard to follow. Here in T.O.P. bawal ang feeling nila wala na silang kamalian sa katawan. We are a family and family help each other kahit masakit tanggapin minsan.

~ Epal in Chief Pinay

7 comments:

  1. copy that, miss...mahabang edit-an to malamang.

    ReplyDelete
  2. hi.. new in blogging. what does T.O.P means

    ReplyDelete
  3. wow ganda naman, madami agad akong natutunan…
    welcome back sam

    p.s. bakit mo naman nilagay sa winners area ang blog ko hehehe anyway thanks God Bless…

    ReplyDelete
  4. @pacethroughlife : It's for Tagalog Online Pocketbooks. It's a site for those who love to read and write tagalog or Filipino Romance novels. ^^

    @pslamist: Nalipat ko na. Sorry nag-covert blogging ako nun kaya copy paste lang ako ng links nun ehehe. peace out! Para sa mga members ng writing site namin yan. Ginawa nila akong Epal in Chief eh. T___T so un...

    ReplyDelete
  5. ahaha.. dapat ko ng simulang ayusin ang format ng akin. Thanks ate Sam.

    ~~Mharliz

    ReplyDelete
  6. hi po, nice blog, marami rami din akong natutunan, wala pa akong napapasang novel, but hoping i could send nice stories! thanks for the info! :)

    ReplyDelete

What do you think?