Sunday, September 26, 2010

archive I hope you get this


Horoscope 040810


Because someone who cares quite a bit is watching. ^^ Hay, asa pa.
Add starShareShare with note

    Queen and Pawns

    Add starShareShare with note

      How to get out of a dead end relationship


      Just do it.
      Add starShareShare with note

        I hope you get this

        Para Kay M poem 

        And I hope we can really, really, really be friends. Because before I am thirty I want to be in love and married. ^_^;

        Shhh. Wag mo sasabihin sa iba. Baka masira ang reputasyon ko.

        Nagpapasalamat talaga ako sa Diyos na nalaman ko na ok ka na jan. Na marami na sa mga gusto mong mangyari sa buhay mo ay unti-unti mo nang nabubuo.

        Aaminin ko ang nagpatibay ng loob ko na unti-unti nang ilayo ang isip kong malandi sa mga pangangarap na magiging tayo pa ay yung nakita kong I love you honey. Grabe ang bigat ng loob ko buong shift ko dahil nun. Pero naisip ko, bakit ba ang nag-iinarte eh hindi naman kita pag-aari, nauna naman sha. Sya naman talaga ang dapat mong sabihan nun, di ba? Pero masakit. Hindi ung nakakaiyak na sakit pero ang bigat. Pero naisip ko, shet nakapagtrabaho pa ako, nakauwi pa ako ng walang nangyayaring masama sa akin. Ibig sabihin nun hindi nakakamatay ang nangyari sa akin. Natawa ako nung narealize ko un.

        Ayoko nang mangarap na me pag-asa pang maging akin ka na lang. Kasi masasaktan ko lang ang sarili ko. Masasaktan ko lang ang nanay ko kasi ang naiisip ko manghihingi ako ng genes sa iyo para wafu ang magiging anak ko. Pero naisip ko baka hindi makayanan ng nanay ko un kasi sya lagi ang nasestress kapag me nabubuntis ang mga pinsan kong babae. Gusto ko talaga kamukha mo ang magiging anak ko. Don't worry pag nagkaanak ako ang ipapangalan ko sa kanya ay Mark Eros or something like that. Kebs na kung magalit ang asawa ko. Ung kapatid ko nga ung Andrea nya galing sa pangalan ng ex gf ko eh. Bakit ba?

        Basta ipangako mo na lang ang isang bagay sa akin, manong. (manong na lang ang itatawag ko sa iyo hindi na ne sarang baka me magalit) Na hindi ka na magdidisappear at hindi mamamansin. I-add mo ako bilang friend. Balitaan mo ako paminsan-minsan. Pag malungkot ka, text ka lang or tawag ka. Kung me problema ka at me oras kang magchat, message mo lang ako.

        Gusto kitang maging kaibigan, isa sa mga soulmates ko. Kasi kung hindi (hobby mo yan hindi makipagusap sa mga ex mo) malulungkot ako ng sobra. Iisipin ko na galit ka sa akin. Iisipin ko na wala ka talagang kwenta. (joke lang)

        Balang-araw gusto ko na pag me anak na ako, kahit hindi ka tatay, ninong ka naman. Para me astig na ninong ang anak ko.

        Hoy, wag mong isiping buntis na ako ngayon, sasapakin kita kahit malayo ka. Hindi pa no. Magpapasexy pa ako at aalisin ko pa ang eksima sa legs ko. Pero mangyayari din un. Balang-araw.

        Pero sikreto lang natin un ha manong. Baka kasi malaman ng mga magulang ko na me balak din akong magbigay ng apo at manugang sa kanila. Baka magpapila ng mga kandidato eh makapatay pa ako ng tao. +_+;

        Saka nga pala. Sa susunod nating incarnation, akin ka na ha? ^_^ Basta tandaan mo pag sa susunod mong buhay may isang makulit, maingay at malandisay na babaeng magsasabi sa iyong "Bading ka ba?" ako na un. Wag mo na akong pakawalan. Pero sa ngayon, sa lifetime na ito, pass muna.

        Baka kasi...kapag nakabili na ako ng lupa sa Lipa mataon na same place ang lugar natin. Awkward kasi. +_+ Ang kulit kasi ng nanay ko gusto sa Lipa magpabili ng lupa in the future kasi malamig daw. Ewangkoba dun.

        Anyway. Huling sabi ko na ito. Mahal na mahal kita. Pero hanggang dito na lang ako. Hindi ko na ata kaya.

        Bigyan mo ako ng dalawang taon, walong buwan at 23 pang mga araw, magbubukas na ang puso ko at mapapakawalan na kita sa hawlang nasa dibdib ko.

        Pramis ko next time na magmahal ako un na talaga. ^_^ Ikaw magpakabait ka na. Kung hindi ka magpapa-annul, ayusin mo na lang ang relasyon nyong dalawa. Para makabawi ka naman sa kanila. (aray teka lang me tumutusok sa dibdib ko mejo hindi ako makahinga) *sigh*

        Kayo natin to, hindi to nakakamatay.

        BTW, wag kang super work lang ang ginagawa jan. Magpahinga ka paminsan minsan. Tandaan mong tumawag lagi o makipagchat sa iyong mama. Tandaan mong marami kaming nagmamahal sa iyo. Hindi ka dapat malungkot o mag-isip na ang sarili mo lang ang maaasahan mo. Mahal ka naming lahat. Okay?

        Sige na. Off ko na eh. ^_^

        Mag-ggym na ako mga Saturday siguro. ^^ Ang jontis ko na eh. Kailangang magpasexy para magka-papa na ang mga imaginary kids ko. Yes, kids. Gusto ko kasi kambal para swerte. ^^

        Ingat ka lagi jan at sana mabasa mo to.

        Sarang heyo, ne sarang.
        Add starShareShare with note

          No comments:

          Post a Comment

          What do you think?