Dec 17, 2009 2:14 PM
N and G
Disclaimer: Ang mga pangalang ginamit ay mga tunay na pangalan ng tao. Syempre pa hindi ko naman pwedeng gamitin ang pangalan ng mga animals para sa kwentong ito, haller naman. Pero dahil natutuwa ako sa mga magsing-irog na tila ba ay hobby na ang ipangalandakan sa universe na sila ay kenkoy in love, naisip ko lang na gamitin silang inspirasyon para sa kwentong ito. Wala ni isang piraso o eksena sa buong kwentong ito ang haliw sa kanilang tunay na love story. Pero para na lang sa kanila yun, alam nyo yung privacy? Basta, natutuwa ako kasi konti lang ang mga mag-asawang tulad nila na sa sobrang ka-sweetan nasusura na ako minsan. Parang nanay at tatay ko lang na nagpapa-cute sa isa't-isa.
Sila ang tularan nyo, mga taong me balak mag-asawa o me mga asawa na. Kasi kung matino ang lalaki, at sexy mula ulo hanggang braincells ang babae, magkakaron din kayo ng ninipie at Juggernaut. ^^
Hindi ko sinasabi na matatapos ko ang kwentong ito. Pero why not di ba?
Ang lahat ng nasisimulan yakang-yaka lang tapusin. Fighting!
++++
"Naomi,makinig ka muna bago mo ako pagbawalan na mahalin ka."
Lumingon ako nang sabihin ni Gani ang mga salitang un. Naririnig ko ang kantyawan ng mga kabarkada nya mula sa loob ng canteen na madalas tambayan ng mga studyante mula sa UP.
"Pwede ba, bumalik ka na lang dun sa mga kabarkada mo. Panira kayo ng araw." kahit nakatakong at masakit na ang paa ko ay hindi ko pa rin mapigilan ang subukang tumakbo. Sino ba namang hindi matatakot kung kahit saan ka pumunta ay sinusundan ka ng isang grupo ng madudungis na lalaki na puro tattoo ang katawan. Aba, para lang akong hinahabol ng mga rapist nun. At ang kurimaw na ito ang pinuno ng banda ng mga mantsa.
"Makinig ka muna kasi." nagmamakaawa na nitong turan.
"Ayoko, binge ako today. Jan ka n---ay!" hawak ko ang hita ko gawa ng sakit na nagmula sa aking "ankle" na tumataas papuntang tuhod.
"Okay ka lang ba? Alam kong hindi ka okay? Teka lang. Wait." natataranta man ay binuhat pa rin ako ni Gani. Napatili pa ako sa bilis ng pagkakabuhat nito. Napayakap ako dahil pakiramdam ko ay mahuhulog ako dahil sa payatot ang nagbubuhat sa akin. Pero nang tumakbo na ito papuntang infirmary kahit isang beses ay hindi ito nagreklamo sa bigat ko.
Humihingal man ay nakangiti naman si Gani habang binebendahan ang aking paa. "Anong nginingiti-ngiti mo jan?" angil ko dito.
"Wala." nasisinok ito dahil sa pinipigil na tawa. Parang kinikiliti lang ang loko. Sapakin ko kaya ito ng isa?
"Wala mo mukha mo, nakakatuwa bang nadapa ako dahil sa kakasunod mo sa akin? Ha? Ha?" nakakabwisit talaga. "Pano ako magsasayaw sa Social dances ko kung me pilay ako, aber? Naku, pag nawalan ako ng scholarship dahil sa PE na un tatamaan ka sa akin ng bonggang bonga. Pipilayan ko pati yang mga tattoo mo."
Lalo lang itong natawa. Pinanliitan ko ito ng mga mata. Bigla naman itong tumahimik. "Sorry na. Ang cute mo kasi pag nagagalit." Pinalabas ko ang galit ko sa ilong ko. Pakiramdam ko usok na ang lumalabas dun sa sobrang init ng ulo ko. December pa naman ngayon. Dapat malamig ang panahon pero parang nag-summer vacation ang yultide spirit ko sa sobrang bwisit ko sa nilalang na ito.
"Ikaw, cute ka kayang isilid sa kabaong?" Nakangisi kong tanong.
"Wag na muna, ngayon pang nahulog ka na para sa akin. Kailangan ko pang mabuhay ng matagal. sasagutin mo pa ako eh." hirit pa nito. Kailangan ko yatang kumapit. Bumabagyo sa loob ng infirmary.
"Sasagutin pala ha? Pwes!" tumayo na ako dahil tapos na ang pagbebenda ng paa ko."Ang sagot ko ay hindi! Hindi! No, niet, aniyong, ie, never, ayoko ayoko ayoko sabi sa'yo!" nang makita ko na three inches na heels nga pala ang sandals ko ay parang nawala ang galit ko at na-stress bigla ang bangs ko.
"Shemas. Pano ako uuwi sa dorm nito?" bulong ko sa sarili ko.
Humahangos na dumating si Jeff, ang kabarkadang kadikit bituka ng butiking umiirog sa akin. May hawak itong isang pares ng tsinelas. Sa paningin ko ay naging Buddha ang hari ng kantsaw. Inabot ni Jeff ke Gani ang mga tsinelas.
"Teka, teka." pipigilan ko sana si Gani pero naisuot na nito ang isang tsinelas sa paa kong walang benda. Inabot din nito ang saklay na pinahiram ng infirmary. Parang Cinderella lang ang beauty ko. Pilay na cinderella nga lang.
Nginitian ako ni Gani sabay sabi, "Ngayon hindi mo na ako matatakbuhan." Kinilabutan ako sa sinabi nito. Pero bakit parang masarap na kilabot ata ito? Oh nose! Ayokong maging reyna ng mga mantsa!
CHAPTER ONE
"Eh, ano ba talagang nangyari sa'yo?" tanong ni Weng. "Baka naman tinulak ka nung hari ng mantsa na un at natatakot ka lang na magsabi. Ipapa-tribunal natin un tas ang parusa sa kanya ay tatalupin ang balat nyang me tattoo. Tingnan ko lang kung hindi sya magmukhang skinless longganisa."
"Tumigil ka nga jan. Ginagatungan mo pa yan. Baka nga gawin nya un." saway ng kikay na si Melai.
"Ah basta, susumpitin ko ung pag nagkita kami." angil ni Weng.
"Warfreak ka talaga ninang." nagkasanayan na kaming ninang ang itawag sa isa't-isa. Balak namin ay balang-araw ay maging tunay na magkukumare.
"Hindi nya ako tinulak. Nadapa talaga ako habang nilalayuan ko sya. Binuhat ba naman ako hanggang infirmary!" natatawa ako sa malamang ay naging hitsura naming dalawa nung mga panahong yun.
"Binuhat ka ni Gani? Wait lang ha. Ang layo kaya ng infirmary! Wala ba syang konsepto ng jeepney?"naiiling na tanong ni Weng.
"Ganun talaga ang mga in-love, tuliro lagi." gatong ni Melai.
"Ay naku, kung ganun din lang ay wag na lang ma-in-love. Nakakapilay." tinaasan ako ng kilay ni Weng na para bang tinatanong kung tama ang kutob nito.
"Hindi ko rin alam eh." tinuloy ko ang kwento hanggang sa suotan ako ni Gani ng tsinelas at ihatid ako nito hanggang dorm. "Kulang na lang bigyan nya ako ng piggy back ride. Ano kami koreanovela?"
"Gusto lang nun manantsing." tumatango na rin si Melai. "See, two versus one. Wag ka na dun sa isang un. Masasalanta hindi lang bangs mo, baka mapintahan pa yang kamorenahan mo. Naku lang." Alam kasi nito na gusto ko ring magpatattoo pero isa lang.
"Ano bang pwedeng gawin para layuan na ako ng isang un?" feeling ko labas na sa ilong ang sinasabi ko pero baka paulanan ako ng katabilan ng dalawang ito o di kaya ay ng kape kaya hindi pwede. Umuusok pa ang mga baong order naming kape. Mamaya na lang.
"Madali lang yan, magka-boyfriend ka." nakangiti pa si Melai nung i-suggest nya iyon.
"Ninang, ayoko ngang magkaron ng distraction tas sasabihin mo pang mag-boyfriend ako." ginulo ko ang bangs ko sa inis.
"Haller, hindi totoong boyfriend. Japeyk." nakangisi na ito ngayon.
"Sang kamay naman ng demonyo ako hahanap ng boypren-boyprenan aber?" pagkasabi ko noon ay may isang tili kaming narinig.
"Niiiiinaaaaaang!" sumisigaw na nilapitan kami ni Noki, ang aming dakilang kapatid sa pananampalataya. Nakipag-beso-beso muna ito bago kumuha ng isa pang upuan para makasalo sa aming pagkakape. "How's your life in general mga ninang?" Napansin nya ang saklay ko kaya nanlaki ang mata nito. "Ay ano yan, manunulat na pilay mode?"
"Natapilok ako." simple kong kwento. "Na-sprain."
"Weh, bakit bonggang-bongga namang me crutches pa and everything? Don't answer that, gets ko na." parang armalite lang kung magbuga ng salita ang isang ito. "Why naman mukhang pagkatalo sa lotto ang face mo?"
"Hindi ko kasi alam kung pano ko papatigilin si Gani sa pangungulit sa akin. Napilayan na nga ako dahil sa gusto kong makalayo sa kanya. Pero wala pa rin. Kuntodo text or tawag kung kailangan ko daw ba ng tutulong sa akin pumunta sa klase. Hay grabe na 'to."
Sumimangot naman si Noki sa sinabi ko. "Are you telling me na nagrereklamo ka kasi me isang tao sa buong universe na may paki sa iyong nafilay na leg? Namayawang pa ito for effect. "Are you telling me na nasestress ang bangs mo kasi me isang matipunong nilalang na handa kang mahalin, buhatin, ipagtanggol at lasapin?" Tumango na lang ako. Mejo nakakatakot na ang monologue ni ateng.
"Hay naku Naomi Ruth, isa kang dakilang NR. Hindi kinakaya ng powers ko ang pagiging NR mo. Hindi mo ba alam kung ilang libong bading ang magpapakamatay para lang magkaroon ng kung ano ang meron ka? Isang lalaking mahal ka, hinahabol ka, nilalanghap ang pabango mo kung dumadaan ka, nginingitian ka, pinapatawa at higit sa lahat, ikaw ang pinapantasya? Hay naku. Ibigay mo na lang sha sa akin. Kung ako naging lalaki hindi kita magugustuhan mashado kang pakipot. Kaines."
Feeling ko nakabaon na ako sa lupa pagkatapos ng litaniya nito. Nakatingin naman si Melai at Weng ke Noki na para bang me iniisip masama.
"Pwede." sabi ni Weng na tinanguan ni Melai.Tumingin ang dalawa sa akin saka ko lang na-gets ang gusto ng dalawa.
Gusto ko biglang masamid nung naisip ko ang kailangan kong sabihin. "Noki, favor?"
Humihingal pa ito sa haba ng mga pinagsasabi nito. "Ano yun, ninang?"
"Pwede ba kitang maging boyfriend?"
Napabuga ng tubig ang bakla.

No comments:
Post a Comment
What do you think?